Wag ka nga magdeny dahil halata
na gusto mo sya at wala kang magawa
sa mga gm sa txt mo na ginagawa
halatang halata may mahal ka nga
Yun nga lang! ni pansinin ka di nya magawa
kahit napinipilit mong ipahalata
mga status mo sa FB na may patama!
oh pag -ibig nga naman sadyang pambihira
sa tuwing nag-iisa, sya ang naaalala.
Sa tuwing dadaan sya naiilang ka
at pag may kasama syang iba naiinis ka
tama naman ako diba!? umamin ka
Pinipilit mong magbago para sa kanya
kahit na minsan parang tanga na
pero dahil gusto mo sya ok lang yun diba?
Kahit na minsan nasasaktan kana
sa mga oras na to alam ko naalala mo sya
pero teka, hala!!! time na pla ako haha
siguro iniisip mo tong taong to tamang hinala
pero tanong ko sayo weh!!? di nga!!?
-tenwara-