Soul Asylum-Run Away Train

Powered by mp3skull.com

Thursday, December 29, 2011

SA ISLA NG ALABAT,Quezon


Ako at si Shane

matagal na rin akong di nakauwi sa isla
kaya medyo limot ko na yung ibang lugar
pero dahil kay bunso na nag ala tour guide ko sa isla
andami kong napuntahan at naalala 
dami kong kwento sa kanya nung nag aaral pa ko sa elementary
minsan ang sarap balikan ng masasayang nakaraan
kahit na matagal ng panahon ang lumipas
pag naaalala mo masarap sa pakiramdam


sana maulit muli ,salamat kay Lord:)

ingat

:)

Sunday, October 30, 2011

MY DIGISHOTS!

 Sa paggising ko sa umaga alam kong laging may magagandang mangyayari na nag-aantay sakin,Yan ang laging iniisip ko ,yun din ang isipin mo!

Isang araw sa buhay ko naglakad ako pauwi galing PICC sa may Pasay, Meron kasi akong pinupuntahan dun tuwing linggo,medyo hapon na nun. Sinabi ko sa sarili ko pag uwi ko BMW ako (By Means of Walking) papuntang LRT station sa may taft.Malapit lang naman kaya naglakad talaga ako!. Dala ko yung digicam ng ate nung mga oras na yun
take note:wala akong kasama !ako lang mag isa,
Ninanamnam ko ang dalisay at malamig na hangin na dumadampi sa aking itsura habang naglalakad.Una kong napuntahan ay ang CCP (Cultural Center of The Philippines) Syempre nag paka alaPotograper naman ako sa pagkuha ng isang malupet na anggulo ng CCP habang nagtataka yung isang mamang nakaupo kasi kung saan saang pwesto ako lumilipat ,nasa isip ko naman manong wag kang magulo ganito talaga , propesyonal tayo e!
eto pala yung kuha ko.
 eto pa...

at eto pa ulit.
 CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES
CCP Complex, Roxas Boulevard
Pasay City, Manila,

The Cultural Center of the Philippines was created in 1966 through Executive Order no. 30, with the purpose of promoting and preserving Filipino arts and culture. It was formally inaugurated on September 8, 1969, starting a three month long inaugural festival opened by the epic musical Dularawan. Since then, the CCP has sought to truly embody its logo of katotohanan (truth), kagandahan (beauty) and kabutihan (goodness). The best artists from all over the country and around the world have graced the CCP theaters and galleries, enthralling Filipinos for over thirty years

eto pa ang ilang kauha ko 

Bangko Sentral ng Pilipinas/ Philippine Navy Nearest well-known landmark aside from the CCP
 
 The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP, translated as Central Bank of the Philippines) is the central bank of the Republic of the Philippines. It was rechartered on July 3, 1993, pursuant to the provisions of the 1987 Philippine Constitution and the New Central Bank Act of 1993. The BSP was established on January 3, 1949, as the country’s central monetary authority.

the strong and credible marine fleet 


eto yung pinaka nagustuhan ko sa lahat,Meron pa palang gumagamit ng kalesa ayos! 


Astig ka manong kutsero! Bilib ako sayo!
anu kaya kung  kalesa ang  gamit natin sa transportasyon ngayon? ano kaya ang itsura ng EDSA?
ganda siguro tingnan nun!




nakauwi naman ako samin ng ligtas!
AYOS!







Monday, August 29, 2011

Mahilig din ako kumuha ng picture

kuha dito, kuha doon, kuha ko kung saan saan.Kahit papano may kamera naman tong celpon ko VGA nga lang pero malinaw naman  at kuntento ako sa mga kuha ko, Minsan kasi nagpapanggap din akong photographer , naghahanap ng magandang shots kung saan saang parte ng skul, Basta pag napagtiripan kung picturan kinukunan ko .kaya eto medyo napupuno ang phone memory ng nokia 5050 kung celpon

"oops! teka sandali, wag kang gagalaw, wag kang aalis
"click"
ok!
ayos!!
 
habang naghihintay ako sa 4th floor ng mga kagroupmates ko!
napaaga pasok ko kaya konti pa lang tao.
 
 
yan ang tinatawag na moment!!!
mga klasmaeyt ko naman yan
si char,si lovely at corina
meron kasi kaming meeting sa oss para sa event na gagawin namin.
medyo hapon na nun.
 
 
lagi na lang ako nalilito dito
NRRLC, NLRAC,NLRC haay!
wala ng tumama...
ganito kasi
NALRC.
ayan


from the top
sa skul namin, ang ganda kasi ng panahon nun maaliwalas
habang naghihintay na umalis yung ibang section para kami naman
gagamit ng rum.. ang garden sa baba kung saan madalas tumambay
ang mga pusa

 mga puno vs. building
malakas ang dipensa ng mga puno meron silang wall na gawa sa simento
di mapasokpasok. astig!


bale eto yung pinaka malupet sa lahat, ang tinatawag kung the FREEDOM WALL
nagmistulang isang obra....... yung parang ART
sulat dito, sulat doon sulat kung saan saan
iba-ibang kamay, iba-ibang tao
halo halong emosyon
isinulat sa iba't ibang panahon
parang ART.

sa susunod ulit..







Wednesday, August 3, 2011

FRONT ROW (itinuturing kung isang obra)


medium na ginamit : Ballpen, lapis at kelangan sa  xerox paper idradrawing yun kasi ang stlye ko.
Bale itong obra na to "FRONT ROW"ay isang likhang sining ng isang maalamat at kapitapitagang "drawer" na si maestro denver likha ito mula sa kanyang kamay at malikot na isipan kasi nga siya ay isang artist. Ang konsepto ng likhang obra na ito ay tungkol sa isang grupo ng magkakaibigan na nakaupo sa pinakaharap ng isang silid aralan at dun ko nakuha ang title ng obrang ito na FRONT ROW.

kung iyong mapapansin halatang makulit magisip ang gumawa nito kung iyong titingnan yung limang lalaki na nasa drawing, tila maykanya-kanyang silang  mundo na parang nag sasabing WALANG PAKIALAMANAN pero ang limang yan ay magkakaibigan ang turingan medyo may konting kawirduahan nga lang.Yun nga palang nasa left side na guy sa nasa dulo tingnan mo " maynakalagay na"hr" yung damit nya-para malaman mo ako yun bale naisip ko kasi na sa bawat obra ko,gusto ko may isang karakter na nagrerepresenta sakin (style ko nanaman yun)at kung naitatanong mo kung  bakit may bakanteng upuan yan ay dahil sa isang samahan may GOODBYE at WELCOME nakuha mo? yun lang yun galing noh artist kasi eh.Bakit nakataas yung kamay nung second to the right na guy yun ay dahil gigisingin nya yung mahilig matulog sagrupo sa palagay mo bakit nya gigisingin ? kung isa kang istudyante alam mu na yun............
yun na yun ,Yung guy naman na may hawak ng cellphone hanapin mo,Kung papansisin mo sa lahat sya lang yung may mata at nakatawa lam mo kung bakit, kung gusto mo malaman ang dahilan tanungin mo ko pag nagkita tayo para may trill lam mu na artist tayo eh.Yung guy naman na may hawak ng libro sa palagay mo sino yan? sino panga ba EDI IKAW isipin mo nalang na yung nakasulat sa libro na binabasa ng karakter na yun ay sya ring binabasa mo ngayon. 

marami pa sana akong gustong isulat at ipaliwanag tungkol sa likhang obra na ito  pero nakalimutan ko di pa pala ako nagsasaing kaya panu hanggang dito na lang muna,pwede mu naman akong tanungin nga pala abangan mu ang susunod ko na obra ha ayos ba yun na una pa lang kasi to salamat.


Tuesday, July 5, 2011

...kakaiba ang pakiramdam ko ngayon
hindi ko maintindihan, parang ang lungkot ng paligid
kagagaling ko lang sa lugar na madalas kung puntahan
lugar kung saan maraming mapaglilibangan
lugar kung saan ang oras ay di mo mamamalayan


gabi na pala...


lilipas nanaman ang isang araw
matatapos na nanaman ang nakagawian
maraming nangyari ngayon
may masaya, may nakakalungkot
may mga bagay na di maiiwasang alalahanin
may mga resulta na kelangan mong tanggapin
at ganun naman talaga, hinga na lang ng malalim


ganito  pala...


 mukang kelangan ko ng matulog
medyo pagod na rin ang katawan ko
buti na lang may isang kanta na kahit hindi ko
masyadong alam ang lyrics masarap namang pakinggan
 paulit-ulit na pinatutugtug at pilit na sinasabayan.
 sa ngayon hanggang dito na lang muna...




ingat !

Saturday, July 2, 2011

Aaminin ko...

Bakit ganun ?

bakit ganito...

isip ay nalilito
desisyon ay pabago-bago
di malaman kung saan
di alam kung hanggang kelan
 biglang mawawala

alam mo yun!

parang ulan lang 
lalakas tapos hihina
bahagyang lalakas ulit
at biglang mawawala

ang hirap pigilan ng nararamdaman
o lamunin ng kalungkutan
diba!?
di ko lang talaga maintindihan
madalas na naguguluhan
kung baga sa painting
abstact ang dating
aaminin ko 
mahirap talaga
mahirap
kumain ng hamburger pagbusog na busog ka na
buti sana kung may coke man lang

alam mo yun?



napahinto at napaisip ka bigla, akala mo drama noh!
asa naman,anu ko magpapakaemo
ngek!
ayoko nga nun
ayokong masyadong seryoso
ayokong masyadong malalim
mas ok kaya ang tumawa ng malakas
habang kausap sya, ikaw
sa madaling salita 
gusto ko lang makipagkwentuhan
makausap ka man lang

alam mo yun..

kahit kelan di mo mababasa kung ano ang nasa isip ko
pero ang nasa puso ko eh..ibang usapan na yun.

XD

tara!usap tayo.....

Thursday, June 30, 2011

sarap pakinggan! nito :)


natapos ko rin ,konting edit at ayun galing ni shane kahit paulit-ulit lang...
 
:)












Monday, June 6, 2011

Rocketeer Car Show Event (June 04,11) plus tugtugan, Ayos!

 

sa harap ng kotseng magara
sa tunog ng gitara
  ng magaling na banda
sa astig nilang kanta
sa bokalisang  maganda
Sulit ang aking pagpunta
Astig talaga!!



-sana magkakotse rin ako :)




Monday, March 14, 2011

LOVE Sentiments (tamang trip lang)

kamusta na kaya sya!?

Hindi ko maisip kung sa panung paraan 
sasabihin ang tunay na nararamdaman ko sayo
kahit alam ko naman na hindi ako at sya ang gusto mo,
mahirap tanggapin na haggang dito lang talaga
kasi di nga naman ako at sya ang nauna,
para bang drama sa pelikula,lagi kayong magkasama sa eksena
ako yung  kontrabida, sya yung bida at ikaw yung prinsesa
alam mo ba nung una kitang makilala at sandaling nakasama 
mga kwentuhan, asaran at palitan ng tawa,tanging hiling ko nun na sana
"akin ka na lang ,sige na" 
gusto kitang lapitan at sabihing mahal kita 
pero kelan kaya mangyayari yun kung lagi kang busy kasama sya,
at sa bawat sigundo, minuto at oras na lumilipas gusto ko lang malaman mo na 
nadadagdagan ang babayaran ko dito sa kompyuter shop. 
nabitin ka ba o natawa ...anu itutuloy ko pa ba?


(salamat sa pagbabasa, next time hahabaan ko na medyo maikli kasi)

Wednesday, February 23, 2011

UP Fair (LOVE RAGE REVOLT 5)


Si Gloc 9 (Aristotle Pollisco) habang kinakanta ang  "UPUAN"
.........check..check....check....yan ang kanyang sinasabi habang umaakyat ng stage sabay sa tugtug ng astig na drummer at banda,napasayaw ang lahat sa kanta nya sabay sa saliw ng beat.ASTIG!!!



ang PAROKYA NI EDGAR
ang paborito kong banda..matagal ko na rin silang gustong makitang tumugtog at sawakas natupad rin .
eto  yung una nilang kinanta "PARA SAYO" astig talaga wala pa ring kupas! galing..


sumusuporta ako sa musikang Pinoy! proud to be
\m/



Tuesday, February 22, 2011

TRENtereren

ano!? sasakay ka pa?

maraming nakaktuwang sinaryo na ang aking nasaksihan
mga kwentuhang may kawirduhan
si manong na nakatulog kaya lumampas sa istasyon na dapat nyang babaan,
si ate na halatang nangangawit na pero walang bakanteng upuan
mga studyante na ayaw malate kaya handang makipagsiksikan
si I.C na lagi na lamang napagtritripan
si ate na nakasimangot kasi nasira ang bag dahil sa tulakan
si manong na naiinis kasi aircon nga naman pero pinagpapawisan
ang pikamalupet sa lahat 
 si kuya na sobrang badtrip kasi naiwan
may exam pa naman tsk.

-approaching "idsa"station
next station "nekols"


"kung saan ka man patungo,anu man ang trip mung sakyan basta sa bawat byahe
wag mung kakalimutan ang





pamasahe"


ingat!