Hindi ko maisip kung sa panung paraan
sasabihin ang tunay na nararamdaman ko sayo
kahit alam ko naman na hindi ako at sya ang gusto mo,
mahirap tanggapin na haggang dito lang talaga
kasi di nga naman ako at sya ang nauna,
para bang drama sa pelikula,lagi kayong magkasama sa eksena
ako yung kontrabida, sya yung bida at ikaw yung prinsesa
alam mo ba nung una kitang makilala at sandaling nakasama
mga kwentuhan, asaran at palitan ng tawa,tanging hiling ko nun na sana
"akin ka na lang ,sige na"
gusto kitang lapitan at sabihing mahal kita
pero kelan kaya mangyayari yun kung lagi kang busy kasama sya,
at sa bawat sigundo, minuto at oras na lumilipas gusto ko lang malaman mo na
nadadagdagan ang babayaran ko dito sa kompyuter shop.
nabitin ka ba o natawa ...anu itutuloy ko pa ba?